Isang mahalagang pagpupulong ang isinagawa sa Munisipyo ng Turtle Islands para talakayin ang mga hakbang sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa ating bayan.
Pinangunahan ito ng ating butihing Alkalde, Hon. Hji Mohammad Faizal H. Jamalul, kasama ang mga SB Members, mga kinatawan mula sa Brgy. Poblacion at Brgy. Likud Bakkao, mga may-ari ng sasakyang pandagat, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya gaya ng MENRE,at mga men in uniform.
Sentro ng talakayan ang pagpaparehistro ng lahat ng sasakyang pandagat na pumapasok at lumalabas sa Turtle Islands — bilang bahagi ng mas pinatibay na sistema ng proteksyon, identipikasyon, at kaligtasan para sa lahat.
Sa pagtutulungan ng bawat sektor, mas ligtas at mas organisado ang ating pamayanan!
